untitled

 
 
REMINDERS: PLS RESPECT OUR CHAT BOX. RESPECT EACH OTHERS OPINIONS. MULTIPLE POSTING AND USE OF FOUL AND VULGAR WORDS WONT BE TOLERATED!! THANK YOU.
 

Slovenian Commercial on BB SWAP


Director Laurenti Dyogi announces Big Brother Swap

Um-attend si Direk Laurenti Dyogi sa press con na ibinigay ng ABS-CBN para sa Pinoy Biog Brother (PBB) Season 2 evictee na si Ezekiel "Zeke" Dimaguila kahapon, April 12. In-announce ni Direk Lauren, na siya ring Business Head ng PBB, ang bagong malaking mangyayari sa Bahay ni Kuya.

"Isa sa mga housemates ang mawawala," pagbabalita ni Direk Lauren. "Dadalhin siya sa Slovenia, the country between Italy and Austria. Magiging isa siyang housemate sa Slovenia Big Brother at one week siyang mag-i-stay doon."

Dagdag pa niya, "May isa ring Slovenian housemate ang dadalhin naman dito to join our housemates here. Ang pagpili sa housemate na ipadadala ay hindi through text messages. Kami ang pipili among the Slovenian housemates na dadalhin nila rito, at sila naman ang pipili ng Pinoy housemate na ipadadala roon.

"Sa April 19 kami aalis dito—ang housemate na mapipili nila, kasama ako at dalawa pang taga-PBB 2—dahil kailangan naming dumating doon ng April 21. Darating naman dito ang Slovenian housemate sa April 21. Mas una kasi tayo ng six hours sa kanila.

"Sa Argentina or Brazil Big Brother sana ang Big Brother Swap. Kaya lang, masyadong matagal ang travel, almost 24 hours. Lesser sa Slovenia kaya doon na ginawa. Hindi ito ang first time na magkaroon ng Big Brother swapping, ginawa na ito last year ng Thailand and Switzerland," kuwento pa ng direktor.

Malalaman ba ng mapipiling housemate na dadalhin siya sa Slovenia?

"Hindi, iba-blindfold kasi siya sa pag-alis niya sa Bahay ni Kuya," sagot ni Direk Lauren. "Alam lang niyang aalis siya dahil magpa-pack siya ng gamit niya, pero hindi niya alam kung bakit siya aalis, kung saan siya pupunta at kung babalik pa ba siya sa Bahay ni Kuya. Malalaman lang niya ito kapag nakasakay na siya ng airplane at makikita niyang kasama pala niya kami.

"Lahat ng gagawin ng PBB housemate sa Slovenia, mapapanood din natin dito at mapapanood din nila doon ang gagawin naman ng Slovenian housemate dito. Habang wala kami, wala munang nomination for eviction for two weeks. Pagbalik na lang namin ulit magkakaroon ng nomination," sabi pa ni Direk Lauren.

Hindi ba pwedeng sila ang pumili sa housemate na ipadadala sa Slovenia?

"Hindi pwede, sila ang pipili," sagot ng direktor. "Personality kasi ang hinahanap sa ipadadala. May napili na sana kami sa Slovenia, pero nag-voluntary eviction siya kaya pipili kami ulit ng bago."

Ano ba ang culture ng Slovenia, paano kung paghubarin ang mga housemates? 

"Catholic country ang Slovenia but they are very liberal. If ever na may ganoon, hindi pwedeng hindi sumunod ang PBB housemate. Pero hindi naman natin ipalalabas ‘yon dito," paliwanag ni Direk Lauren bilang pangwakas.

 Sa April 27 babalik sa PBB house ang umalis na housemate at sina Direk Lauren.


Report Content · · Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com